Skip to main content

Morning Moon





Nakikinita ko mula sa aking pagkakaupo ang mga anino ng mga puno na nagsasayaw sa ilalim ng init na dulot ng haring araw.

Sa isa naming dako, nakikita ko ang buwan. 
Nakakatuwa, umaga na pero napakaliwanag padin ng glow nya.

Rippled thoughts – 
mga saloobing iniisip at pinapakiramdaman, mga ideyang di ko ma-organize dahil di ko mahanap kuneksyon… subalit, kailangan kong maisalawalat bago ko maubos itong unang tasa ng kape.

Bakit mas maganda ang buwan sa gabi? 
Ano nga kaya misteryo sa likod nito? 
Pero teka, bakit buwan pa din topic ko? 
Isip isip isip… hinahayaang mag flow ang mga ideya at saka ko na lang eto hahabulin mamaya.

Kapag sinabi kong ako’y isang pilosopo, maniniwala ba kayo? Katotohanan isang napaka delicate na topic. 
Lahat ng pwedeng malaman ng isang tao ay half truths lamang at mas madalas kaysa hindi, yung natitirang kalahati ay naitatago. 
Tulad ng dark side of the moon. Yung lighted side lang ang tangi nating nakikita at ang kanyang dark side ay pawang spekulasyon lang ang pwedeng gawin ng utak.

Although, di ko sinasabing di natin pwedeng pag usapan ang dark side of the moon, ang punto ko lang di ito maaaring pag-isipan dahil ang lohika ay merong limitasyon, kung kaya’t paano ba malalaman ang kanyang dark side? O kaya kalimutan ang analohiya, sabihin nating, paano ba natin makikilala ang personalidad ng isang tao? Simple, Pakiramdaman mo sila. 

Tulad ng pagpapalaki ng bata, di mo kailangan i-analyze ang isang bata, makikilala mo sila sa pamamagitan ng pagmamahal at pakikiramdam.

Sa kabilang dako ng aking pagmumuni,

tinititigan ang buwan, at sa isa nanamang kabaliwan, naiimagine kong ito’y nagdurusa. Nakikinita ba ng mga tao ang pagluha nito? Sa kanyang pag iisa at pagdurusa, narerealize ba nila na meron din itong pakiramdam? 

Maaaring meron din tulad kong umiibig sa kagandahan ng buwan, pero kahit ganun pa man, palagi pa din itong nagiisa. Malayo sa mga taong umiibig sa kanya, pero pilit pa ding nagbibigay liwanag, nagbibigay pag-asa. 

Sa ilang araw na ibinigay nito ang lahat, muli nanaman syang mawawala, parang endless cycle of rebirth and reincarnation. Oo na, hopeless romantic ulit, but in a poetic way of putting it, the moon’s ‘death’ is an ultimate sacrifice to shine light and hope in the darkest of our nights.

senseless?

Malamang.
Kasi nga,
I am LUNA-tic.


Comments

Popular posts from this blog

A Blank Verse Poetry

I ran this morning. Gray sky, nothing special. Weather that doesn’t force you to feel anything. Usually, I wander without purpose. Today, something stopped me. Time is a trap. We pretend it’s limited, but it isn’t. So we rush through it—steps, choices, life—until it all blurs. The small things disappear. The smell of earth, the quiet air. Gone. A song got stuck in my head. “I’ll stop the world and melt with you.” Unwanted. Persistent. How did it get in? Maybe fate. Maybe nothing. I don’t believe in destiny, but here I was—stuck in the sound, stuck in a loop. The world paused inside me. I didn’t move. The day went on. Hands trembled—not from connection, but from the weight of existing. Scars on skin—maps of past failures. Nothing clean, nothing clear. I touched a cheek. No softness. Smoke? Habit? Grip loosened—like sanity slipping. Wanting to let go, but afraid of the emptiness that follows. I kissed a cheek. A stupid move. A laugh broke the silence. A glitch. A mistake. Coffee a...

Stars and Songs

It’s 2 am and I am still awake. Though I had a long nap this afternoon, for some reason, my stubborn brain suddenly erupts in these manic streaks. My mind suddenly reboots itself and in a couple of minutes, I become as hyper as a kid who just ate 27 chocolate bars.  Since it’s pointless to lie down and struggle to find the best position, I took my laptop, go out at the porch and started writing. As sat there, I looked at the heavens and there shines my moon together with the stars. The sky was barren of clouds and you can perfectly see how the earth is blanketed by the dark sky as the moon and the stars gave it an enchanting touch.  The moon’s light is waning, so are my thoughts. I guess I am lunatic as I can write lots whenever the moon goes full. I consider the moon as my muse so I wondered, Why can't I shift my obsession to the stars?  I think this is quite improbable. Stars are illusions, I mean, most of the time, the light that we see from these stars are actually t...

Banidoso

Tutal normal na lang ata ang humilata pag weekend at mag surf, manood or magdownload sa phone no? isang sabado, habang nagsusurf I decided to download some android games ( babala: wag magdodownload ng pirata– suportahan natin ang mga mukhang perang mga kapitalistang manufacturers at game programmers sa over priced games nila ) so pumunta ako sa isang sikat na forum para sa mga hackers.  Pagkatapos nakakita ng games , shift to super download mode at salamat sa PLDT dahil PAGKABILIS BILIS ng connection nila 😑😑😑.  While waiting, nag browse at napadpad ako dun sa literati section. Dahil wala namang magawa, inaliw ang utak sa pagbabasa ng original pieces na gawa ng mga tao dun sa forum. May mga poems, short stories at talaga namang mawawala ka sa realidad habang binabasa yung mga gawa nila. Ang nakakatuwa pa ay yung mga comments ng mga netizens at narealize kong sa comment pa lang pala, maaari mo ng masilip ang part ng personality at kung paano ang takbo ng utak ng bawat for...