Skip to main content

Posts

Showing posts with the label principles

The Moon Made Me Write This!

Di na kayang suyuin ng mainit na kape ang nanlalamig na pagkatao. Itong kakaibang ginaw na dulot ng panahon ay tila yelong bumabalot sa pananaw ng isang pilosopong nangangarap. Nakakahumaling at nakakalungkot… nahuhumaling sa lungkot. Walang katapusang pagtakbo, pagtago – paglayo, ngunit hanggang kelan kaya ito dapat gawin upang maatim ang katahimikang matagal ng ninanais? Sa pagsilip ng buwan, kusang bumabalik mga emosyong ikinukubli at isinasantabi. Mga patak ng sarkastikong liwanag na umaaninag sa isang aninong naliligaw. Nawawala? pero paano nga ba mawawala ang isang bagay na di pa nahahanap? Bigo nga bang masasabi kung mas nanaisin ng isang taong sumuko na lang? pagkabigo bang maituturing kung mas pipiliin nilang bumitiw na lamang? Walang kagandahan sa paglagapak, walang kasiyahan sa pagkakahulog at walang nakakatuwa sa pagkakadapa. Mas madaling umangat sa pamamagitan ng paggamit ng mga tao, mas madaling bumagsak sa pamamagitan ng pagsunod sa sariling paniniwala. Subalit eto nga...