May bahid kabaliwang pumapasok sa isipan sa tuwing ang tulog sa gabi ay di nakakamit. Madalas, inaalala ang napanaginipan sa katatapos na gabi habang pinapakiramdaman ang malamyang ihip ng hangin na dumadampi sa mga pisngi. Di maiiwasan na ang kaabikat nito ay ang kalungkutang makikita sa mahinahong sayaw ng mga dahon sa awiting mapangaraping kaluluwa lang ang nakakasaksi. Sa pangarap sila’y padipang naipako –Pilit inaabot ang panaginip subalit lumulutang sa kawalan ang pag-asang masilayan pa ito… dahil sa pangangarap, pikit kanilang mga mata. Sa pagkakapikit, idinuduyan sila palayo sa realidad at patungo sa kapayapaang dulot ng kahimbingan… Kabaliwan… At lango sa katahimikang Kadiliman lang ang makapag bibigay.
I dwell in the spaces where shadows meet light, where questions outnumber answers. A seeker of truths buried deep, I write to unearth what lies beneath the surface. In the chaos, I find my voice. In the silence, I find myself.