Nakaka… ...Panibago ...Lito ...bato… Palagi na lang bang ganito? Mga alaalang pilit bumabalik Tulad ng Tubig Umaagos ng tahimik Dumadaloy Tumatahak Pumapatak. Mga oras, araw, buwan binalot ng karimlan Ilaw sa kadiliman Muli bang masasaksihan? Panahong tinikman sikretong kasiyahan Ikaw at ako Tila Dugong dumadaloy Nagbibigay... ng buhay... ng Pag-asa... ng Sakit... Sa isat isa Mga araw at gabing naglalakad masayang magkasama may halong pangamba Nalulunod sa salita At mga pangakong Itinali sa mga tala. Ngayon Kailangang lunukin ang pagdurusa Nag iisa Hapdi ng Alaala Wasak na pusong di na maaayos pa. Pag gising sa umaga, Nangangamba Ako kaya'y Naaalala mo pa?
I dwell in the spaces where shadows meet light, where questions outnumber answers. A seeker of truths buried deep, I write to unearth what lies beneath the surface. In the chaos, I find my voice. In the silence, I find myself.