Ito siguro ang tanging bagay na ayaw ko tuwing Disyembre. Kung di man reunion ng batchmates, reunion naman ng pamilya ni misis ang magaganap. Every 3 years nagkakaroon ng grand reunion ang kanyang mga relatives at sa tuwing ito’y mangyayari, atubili ang lahat ng tao sa pagbili ng mamahaling damit na isusuot, make up dito at doon na parang kasal ang pupuntahan. Ito ang panahong magsisiuwian mula sa iba’t ibang bansa ang mga sosyalerang titos at titas – na sa pag uwi, wala naman talagang pinag uusapan kundi kung gaano sila mas naka aangat sa inyo. Ganoon naman yata talaga, ang sistema ng pagtingin sa kagalingan ng isang tao ay nababase sa dami ng digits sa iyong payslip. Sa malas nga lang, mas madami pa ang digits ng loan ko kesa sa income, at syang dahilan kung bakit ako’y isa lamang langgam sa paningin nila. (o di kaya, pulgas) Ang sukatan ay wala sa abilidad. Oo, sabihin na nating artist ka, writer, poet, musikero, subalit ano bang kwenta nito sa kanila? Ang mahalaga ay kung mama...
I dwell in the spaces where shadows meet light, where questions outnumber answers. A seeker of truths buried deep, I write to unearth what lies beneath the surface. In the chaos, I find my voice. In the silence, I find myself.