Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Graduation

Graduation

Habang ako’y nagbrobrowse ng facebook, napansin ko na madami pala akong former students na gragraduate na ngayon. Magkahalong lungkot at tuwa ang naramdaman ko. Lungkot, dahil nakakamiss din sila gaano man ka nonsense kanilang pag iisip minsan, at tuwa dahil makakamtan na nila ang papel at titulong kanilang pinaghirapan. Napansin kong karamihan sa kanila ay may mataas na pangarap. Irrational sense of optimism, and I admire them for that. Sana ay patuloy nilang payabungin ito, tulad ng pag aaruga sa isang halaman. Ang mga pangarap ay kailangang diligan, alagaan, itanim sa lugar na fertile ang lupa upang maging firm ang kanilang mga ugat at higit sa lahat, importante din ang ‘trimming’ o pagtatanggal ng mga dahon na tuyot o di kaya’y nabubulok na upang di mahawa yung healthy part ng halaman. Sa madaling salita, dapat nilang malaman kung ano ang mga mahahalagang ideyang natutunan nila sa unibersidad na maaari nilang i-apply sa real world. Tulad ng halaman, di lahat ng mga seeds na itina...