Pasko, Regalo, Di nakikita sa dami, ang mahalaga ay kung tatagal ba. Di din nakikita sa kulay, maging puti o de-color man. isa lang ang nais ko, sana’y samahan mo ako kalimutan muna ang mundo. Atin ng simulan Balikan dating samahan, lumang Tawanan, labing tatlong taong Kwentuhan, Walang puwang na katahimikan, Walang pagkakataong mawala ang kaisipan. Wag mong tataasan, Baka di mo matagalan. Paikutin na ang bote- Tumagay ka pa pare! Salamat sa mga kwento, Alaalang akala ko’y tuluyan ng naglaho, Ibinalot at ibinigay mo bilang regalo. One on one ulit tayo, Sa susunod na pasko.
I dwell in the spaces where shadows meet light, where questions outnumber answers. A seeker of truths buried deep, I write to unearth what lies beneath the surface. In the chaos, I find my voice. In the silence, I find myself.