Tulad ng langit na unti unting kumukulimlim, Ang hikahos na kulay sa pagsapit ng dilim. Katinuan ay unti unting nawawala. Iniisip ang sumpa, Pusong nagluluksa, Sikolohiyang namimilosopiya. Inaalala mga kaibigan Lumuluhod sa may kapangyarihan, Iindayog ba sa galaw ng mga nota? Magpupumilit bang abutin ningning ng mga tala? Pakikiusapan ba ang malupit na tadhana? Ano nanaman kaya ang ikot ng karma? Mukhang kailangan ng iwasan ang aming daan Aysus! subalit bakit kelangan, Muli kitang masilayan? Ako’y di makagalaw, Ako’y di makasayaw, Lumalalang sakit na sinapit Ang pait, nagbabalik, Mukhang nakatatak sa isip. Pero bakit Ako’y walang maramdamang galit? Ngiti at tuwa Ganun pa din ang nadarama, Aking pagnanais pahirin mga namumuong luha, Kamay nais kong hawakan, pero ito’y di tama. Oh kay sakit na parusa… Nakatayo sa ilalim ng puno Gumawa ng limang taong pangako, Ginagabay ng kalahating buwan, Iisa ang pag-asang tangan. Nasirang katotohanan, Asan na mga kaibigan? Wala ng digni...
I dwell in the spaces where shadows meet light, where questions outnumber answers. A seeker of truths buried deep, I write to unearth what lies beneath the surface. In the chaos, I find my voice. In the silence, I find myself.