Over rated na ang relationships… As usual, nakatambay nanaman ako dito sa isang tahimik na coffee shop/bar na hilig kong tambayan pag nais kong magsulat. Mag iisang oras na din ako sa kinauupuan ko nung narinig kong nasabi ito nung babae dun sa katabing table. Isang grupo sila ng mga college students (I think) na mukhang inumaga na sa celebration. Alas 7:00 palang and either it’s too early or too late depending on how you see it, the point is, nag iinuman padin sila. Madami dami din ang boteng nakahilera sa kanilang table at madami na din ang naipong walang laman dun sa ilalim ng table kasama ng mga upos ng sigarilyong kung saan saan na lang itinapon. Hindi naman sa chismoso ako at nakikinig sa kanilang usapan, pero kung ang mga katabi mo ay nakainom na, di maiiwasang di marinig kanilang pinagsasabi. Ganyan siguro mga lasing, akala mo nakalunok ng megaphone at kung magsalita animo’y nasa kabilang bundok yung mga kausap nila. Tatlong babae at dalawang lalaki ang nasa kabil...
I dwell in the spaces where shadows meet light, where questions outnumber answers. A seeker of truths buried deep, I write to unearth what lies beneath the surface. In the chaos, I find my voice. In the silence, I find myself.