Ganoon naman yata talaga, ang sistema ng pagtingin sa kagalingan ng isang tao ay nababase sa dami ng digits sa iyong payslip. Sa malas nga lang, mas madami pa ang digits ng loan ko kesa sa income, at syang dahilan kung bakit ako’y isa lamang langgam sa paningin nila. (o di kaya, pulgas)
Ang sukatan ay wala sa abilidad. Oo, sabihin na nating artist ka, writer, poet, musikero, subalit ano bang kwenta nito sa kanila? Ang mahalaga ay kung mamahalin ba ang iyong mga gamit at gamit ng mga anak mo. Isa sa mga ayaw na ayaw ko ay yung titingnan ka nila na may halong awa.
“Ang ganda naman nitong helmet na ito! Magkano bili ninyo dito?” tanong ng isang tita.
“Ay ginawa po iyan ni mister. Paper mache with styro, regalo nya sa anak naming nung pasko” Sagot ni misis.
“Ay… (dismayado) bakit di na lang kayo bumili, di pa kayo napagod.” Sabi muli ng tita.
“Ok lang po, hobby ko po kasi iyan.. at least sarili ko pong gawa, at mas quality po iyan kesa yung mga plastic na nabibili. Nilagyan kop o iyan ng resin…” Sagot ko naman.
“masyado mo naman atang tinitipid mga anak mo.”
“di naman po. Mas malaki nga po nagastos ko dyan kesa pag bumili ako.”
Di ba nila nakikita na ang aking mga ginagawa ay hindi dahil sa pera kundi dahil sa pagmamahal sa isang bagay na nagpapasaya sa akin at magpapasaya sa mga taong mahal ko? Bakit kailangang lagyan ng presyo ang lahat?
Hanggang sa ang usapan ay nagbalik sa payslip at trabaho. Nagulantang sila ng nalamang nagresign na ako. Pinaguusapan nila ang kanilang sweldo at ng mga sandaling yon at parang gusto ko ng mag evaporate – o kaya maging kasing liit ng pulgas at pagkakagatin kanilang mga hita upang maramdaman nila ang iritasyon at pangangating di mo maimagine. Yung tipong invisible na pulgas– at hindi ko alam kung kelangan ko pa bang mag stay doon o tumalon palayo.
Ngising kabayo – parang pulitiko lang. buti na lang at kailangan ko pang tingnan yung litson na galing sa hawla ng aking biyenan (na di naman binayaran ng mga milyones nilang payslips.) Kailangang bantayan para wag masunog at wala silang masabi na mas masarap kung bumili na lang ng instant lechon. (I hate instant!)
Inom tayo! Yaya ng isang tito at pinsan.
Sige lang po, sabi ko naman.
Eto dalhin mo na sasakyan at bili tayo sa city.
Nung kami ay bumili ng mga maiinom at bayaran na, busyng busy sa kwentuhan yung mga mokong at tipong walang planong magbayad.
O sya, sambit ko. Ako na lang ang magbabayad – na nanggaling pa sa mumurahin kong wallet at baryang sweldo ko.
Pagkatapos magbayad, sya namang offer nila na,
ay bayad na? bakit di mo sinabi?
Classic. Napag isip isip ko.
Shot. Tagay. Inom. Lasing.
Daming kwento, wala naming kwenta.
Daming Bangka, wala naming patutunguhan.
Videokeng naghihikahos dahil di matanggap ang mga boses ng mga lasing na feeling nila ay pagkaganda ganda na pwedeng mag audition sa American idol.
Mga lasing na kumakanta at di matanggap bakit ganoon lang scores nila. (buti na nga lang walang utak ang videoke machine. Pero taimtim kong dinadalangin na sana ang ispiritu ni Simon Cowell ay pumunta sa machine at pag iinsultuhin kanilang mga katauhan. Pero bad yun… natatawa na lang ako sa mga ideas ko.)
Isa nanamang reunion na nais iwasan. Isang klase ng inuman na nais tulugan. Kwentong kababalaghan, kalokohan, kamanyakan…
Bakit nariyan ka sa mga bata, ditto ka sa mga matatanda, yaya ng isang tito.
Isa nanamang kwentuhang pampulitikal, pang relihiyon at payabangan. Tahimik lang akong nakaupo, nakikinig sa mga kwentong pulutan, hanggang sa kwentong pangkalawakan at kahit na alam mong lahat ay hindi makatotohanan, di ka na lang umiimik dahil saying laway mo sa page explain ng universe at physics.
“alam mo ba sa states, 7 gears sports car ko doon!” (e magagamit mo ba 7 gears mo talaga?)
Alam mo ba sa Germany, accountant ka lang pero mataas na ang sweldo mo dun at makakabili ka na ng sariling mong bahay! (e kilala nyo ba Nietzsche o Heidegger? At alam nyo ba ang oblivion of being? Will to power? Ubermensch?)
Alam mo ba sa japan, binilhan ko ng grand piano pinsan mo doon na 300,000 converted to pesos ang halaga! (e marunong ba naman silang tumugtog o design lang ulit sa bahay yung piano?)
Mga walang kamatayang payabangan, pataasan ng ihi – paulit ulit na ingay hanggang sa wala na akong marinig kundi ang lectures nila kung bakit mas nakatataas sila kaysa sa inyo.
Wala man akong masabi o makwento sa kanila, sa isip isip ko, talaga nga bang mas nakatataas sila sa akin? Dapat nga bang mabigyan ng mamahaling laruan at kung ano ano pa ang iyong anak para matawag kang mabuting ama? Kailangan bang 7 digits ang sweldo mo para matawag kang may kwentang provider sa iyong pamilya? Mas matutuwa ba ang iyong sarili kung nagtratrabaho ka sa opisina na ang tanging motivation mo ay yung sweldong kikitain?
Ng biglang dumating si misis, ibinigay yung mikropono at idadaan ko na lang sa pagkanta at sa sarili kong ingay ang ingay nila. Di man naming mabigyan ng mamahaling kung ano ano aming mga anak, pero nung pasko, kitang kita ko ang tuwa at saya sa kanilang mga mukha nung buksan nila kanilang mga regalo. Dahil isa lang ang alam kong nakaaangat ako sa kanila, kilala ko mga anak ko at alam ko ang desires of their hearts.
Ah reunion at alak.
Di ka marunong tumingala kung wala ka sa ibaba… at least ako, marunong pa din ako nito…
Muli nanamang lumipad ang mga demonyong baboy at mga banidosang butiki.
Comments
Post a Comment