Nakikinita ko mula sa aking pagkakaupo ang mga
anino ng mga puno na nagsasayaw sa ilalim ng init na dulot ng haring araw.
Sa isa naming dako, nakikita ko ang buwan.
Nakakatuwa,
umaga na pero napakaliwanag padin ng glow nya.
Rippled thoughts –
mga saloobing iniisip at
pinapakiramdaman, mga ideyang di ko ma-organize dahil di ko mahanap kuneksyon…
subalit, kailangan kong maisalawalat bago ko maubos itong unang tasa ng kape.
Bakit mas maganda ang buwan sa gabi?
Bakit mas maganda ang buwan sa gabi?
Ano nga kaya misteryo sa likod nito?
Pero
teka, bakit buwan pa din topic ko?
Isip isip isip… hinahayaang mag flow ang mga
ideya at saka ko na lang eto hahabulin mamaya.
Kapag sinabi kong ako’y isang pilosopo, maniniwala ba kayo? Katotohanan isang napaka delicate na topic.
Kapag sinabi kong ako’y isang pilosopo, maniniwala ba kayo? Katotohanan isang napaka delicate na topic.
Lahat ng pwedeng malaman ng isang tao ay half truths
lamang at mas madalas kaysa hindi, yung natitirang kalahati ay naitatago.
Tulad
ng dark side of the moon. Yung lighted side lang ang tangi nating nakikita at
ang kanyang dark side ay pawang spekulasyon lang ang pwedeng gawin ng utak.
Although, di ko sinasabing di natin pwedeng pag
usapan ang dark side of the moon, ang punto ko lang di ito maaaring pag-isipan
dahil ang lohika ay merong limitasyon, kung kaya’t paano ba malalaman ang
kanyang dark side? O kaya kalimutan ang analohiya, sabihin nating, paano ba
natin makikilala ang personalidad ng isang tao? Simple, Pakiramdaman mo sila.
Tulad ng pagpapalaki ng bata, di mo kailangan i-analyze ang isang bata,
makikilala mo sila sa pamamagitan ng pagmamahal at pakikiramdam.
Sa kabilang dako ng aking pagmumuni,
tinititigan ang buwan, at sa isa nanamang kabaliwan, naiimagine kong ito’y nagdurusa. Nakikinita ba ng mga tao ang pagluha nito? Sa kanyang pag iisa at pagdurusa, narerealize ba nila na meron din itong pakiramdam?
Sa kabilang dako ng aking pagmumuni,
tinititigan ang buwan, at sa isa nanamang kabaliwan, naiimagine kong ito’y nagdurusa. Nakikinita ba ng mga tao ang pagluha nito? Sa kanyang pag iisa at pagdurusa, narerealize ba nila na meron din itong pakiramdam?
Maaaring meron
din tulad kong umiibig sa kagandahan ng buwan, pero kahit ganun pa man, palagi
pa din itong nagiisa. Malayo sa mga taong umiibig sa kanya, pero pilit pa ding
nagbibigay liwanag, nagbibigay pag-asa.
Sa ilang araw na ibinigay nito ang
lahat, muli nanaman syang mawawala, parang endless cycle of rebirth and
reincarnation. Oo na, hopeless romantic ulit, but in a poetic way of putting
it, the moon’s ‘death’ is an ultimate sacrifice to shine light and hope in the
darkest of our nights.
senseless?
senseless?
Malamang.
Kasi nga,
I am LUNA-tic.
I am LUNA-tic.
Comments
Post a Comment