Skip to main content

Usapang Pag-ibig



Over rated na ang relationships… 

As usual, nakatambay nanaman ako dito sa isang tahimik na coffee shop/bar na hilig kong tambayan pag nais kong magsulat. Mag iisang oras na din ako sa kinauupuan ko nung narinig kong nasabi ito nung babae dun sa katabing table. Isang grupo sila ng mga college students (I think) na mukhang inumaga na sa celebration. Alas 7:00 palang and either it’s too early or too late depending on how you see it, the point is, nag iinuman padin sila.

Madami dami din ang boteng nakahilera sa kanilang table at madami na din ang naipong walang laman dun sa ilalim ng table kasama ng mga upos ng sigarilyong kung saan saan na lang itinapon.

Hindi naman sa chismoso ako at nakikinig sa kanilang usapan, pero kung ang mga katabi mo ay nakainom na, di maiiwasang di marinig kanilang pinagsasabi. Ganyan siguro mga lasing, akala mo nakalunok ng megaphone at kung magsalita animo’y nasa kabilang bundok yung mga kausap nila.

Tatlong babae at dalawang lalaki ang nasa kabilang table. Pulang pula na kanilang mga mukha at amoy ashtray na ang bawat isa. Slurred na din kanilang pagsasalita at yung isang lalaki, mukhang antok na antok na at anytime ay bibigay na sa temptasyon ng pagpikit. Samantala, yung mga babae naman ay sige sa kwento. Normal lang siguro na mas madaldal mga babae, pero sa sitwasyong ito, di na ata normal mga naririnig ko dahil yung topic na iniisip kong di kayang sabihin ng mga babae sa public ay sya namang pinaguusapan nila at Oo, naeeskandalo ako ng sobra. Disclaimer lang: Di ako tradisyonal or conservative.

Hindi naman sa trying hard to be holy ako, but di ko talaga ineexpect na ganito na mag-isip mga kabataan ngayon lalong lalo na sa mga kababaihan (although di ko naman sinasabing mag maria clara sila, ang sa akin lang, merong proper time and place sa mga bagay bagay, kasama na dun ang topic ng usapan.) Anyway, trip nila yun. Ako ay hamak na nakikinig lang at (at naghahanap ng bagay na pwedeng isulat) So ang topic ko ngayon sa piyesang ito ay mga napansin ko sa sitwasyong ito.

Take note, Di ako magjujudge ng karakter (malamang meron pala pero opinion ko lang yan), magsasaliwalat lang ako ng ideas about the topic, expound it and see where it leads me. (kung tama ba o mali mga pinagsasabi ko eh nasasa inyo na yun kung alin ang papanigan at hindi).


To cut the long story short, Nagsimula sila sa topic na ayaw nila ng relationships which eventually lead to the topic of Boylets and FUBU – oo, ito’y isang relationship na kung saan walang strings attached at pisikal na pangangailangan lamang nila ang kanilang pinagbibigyan. (di necessarily na ito’y sexual in nature). Sa aking pakikinig, naipon ko kanilang reasons kung bakit ayaw nila sa deep relationship.

1. Ayaw nilang mag tend ng Broken Heart.

Ayaw daw nilang masaktan. Sa relationship, once na naging connected ka sa isang tao, tendency nun ay magiging dependent ka sa kanya. Lahat ng activity mo ay included siya and once na nag break kayo, mahihirapan kang mag bounce back on your own.

Ang sa akin naman, di ako agree sa kanila. Sa kahit na anong gawin natin sa buhay, di maiiwasang di tayo masasaktan. That’s Life, C’est La Vie! Pain is there to remind us that we did something wrong and syempre, it also tells us we are still alive. Kaya ka nasasaktan kasi nga meron ka sigurong nagawang mali na dapat mong ayusin. Matuwa ka na lang at nakakaramdam ka pa ng sakit dahil nagpapatunay lang na meron ka pang pakiramdam at di ka isang emotionless na hayop.

 

Second point, di naman kasi kailangan na lahat ng ginagawa mo ay kasama ang partner mo. Kaya nga merong ‘ME’ time. Di ako agree sa relationship na kung saan wala ng puwang ang mga sikreto sa isa’t isa. Too much familiarity brings boredom. Once na wala na yung mystery, nag fafade na din yung magic sa relationship.

2. Mas masaya ang FUBU kasi walang responsibilities.

Kung siguro 10 years ago ko pa isinulat eto, malamang tuwang tuwa ako at agree ako jan. Pero sa ngayon, marerealize mong napaka immature ng ganitong pananaw. Madaming may ayaw sa responsibilidad dahil hassle daw ito at masyadong maraming oras ang nasasayang. Limitado ang oras sa buhay ng isang tao at habang bata pa ay dapat enjoyin ang moment na ito dahil ang oras ay never ng maibabalik pa. 

Maaaring may punto nga naman dito, pero alamin din ang kaibahan ng pagsasaya at pagiging tanga. Ang responsibilidad ay syang nagdradraw ng line between having fun and still doing what must be done (not in the sense na dahil sinabi ng ibang tao na gawin mo, kundi for self-preservation na din.) Di ibig sabihin  na kapag meron kang responsibilidad ay wala ka ng freedom. Kung tutuusin at lalaliman pa ang pag analyze ditto, marerealize mong responsibilidad mismo ang nag lelead sa atin ng daan to experience more freedom. Freedom entails justice and in justice, it tells us what must be done. What is ‘ought to be done’ is what responsibility is all about.

Di pwedeng wham bam thank you maam na lang parati. Di pwedeng puro pagpapakasaya na lamang pinaiiral (note: libog) dahil sooner or later, oras na magkamali ka – mas malaking responsibilidad ang haharapin mo.

At sa tingin ko, ang pinakamahirap sa isang relationship na walang responsibilidad ay wala itong goal, walang direksyon at walang patutunguhan. Sa simula siguro nakakatuwang gawin ito (dahil nga kakaiba), subalit bilang tao, darating ang time na di lang physical satisfaction hahanapin natin kundi kasama na din ang emotional at intellectual satisfaction.

3. Magastos ang relationship

Kung ang GF or BF mo ay yung tipo ng taong di nakukuntento sa kopiko 3 in 1, maaaring may punto ka dito. Isang buwan kang magpapa alila sa kumpanyang pinagtratrabahuan mo (or nag iipon ng allowance kahit di na kumain ng lunch) para lang malibre mo GF/BF mo sa starbucks at magmukha kayong ‘cute’ couple at makakuha ng libo libong likes– talagang mapapagastos ka ng todo. (unless pwede mong ibenta yung mga likes mo)

Pero sa isang relationship, ang halaga ay di nakikita kung saan ba kayo nagdadate, ano iniinom ninyo or kung ano man ang kinakain ninyo. Ang kasiyahan ay dun sa moment na magkasama kayo at pareho ang kinakain, iniinom o pareho ang wavelength ng utak ninyo sa mga pinaguusapan ninyo. Di ito dahilan para pumasok sa relationship na walang patutunguhan dahil kung iisiping maigi, mas masarap kumain ng tuyo at sinangag na kasama yung taong mahal mo kesa kumain ng overpriced croissant ng nagiisa. 

Kung pagtitipid din lang pala hinahanap nila, malamang mas madami silang matitipid kung iniipon na lang nila pinangiinom nila and malay ko lang na after nito pala ay may pupuntahan silang lugar para isatisfy yung physical needs nila. Therefore, wala ka ding maiipon sa FUBU. Kung gusto mong mag ipon, wag kang gumastos. Ganun lang yun.

4. Wala akong kalayaan

Pag nasa relationship daw ay wala kang freedom dahil hawak ng partner mo ang oras at atensyon mo. Habang abala ka sa pagDODOTA at ikaw ay guma-God like na, tapos bigla syang nag text at nagpapasundo dahil alas otso kinse na, no choice ka kundi mag log out at iyakan na lang yung moment na nag God like ka pero di natapos yung laro (kung sentimental ka naman pwede mong iprint screen at ipost mo sa facebook para umani ka ng papuri at mabawasan man lang kabad tripan mo). Unless isa ka sa mga pioneer na author sa palusot.com at nakaipon ka na ng mga automatic reply sa ganitong mga sitwasyon. “Babe, saglit lang ha kasi sasamahan ko pa si mama dahil kailangan nyang samahan yung kapatid ng lolo na tiyo ng kapit bahay namin sa doctor kasi may cancer of the hair daw sya.” Or “Babe wait lang ha kasi di ko mahanap pair ng medyas kong tweety bird”. 

Kung ang relationship ay nagsimula sa kasinungalingan, di ito magtatagal. Kung ang pundasyon ng inyong pagsasama ay puro palusot, ALAM NA THIS! Basic sa dalawang tao ang Trust and with it comes understanding. Ang pagtitiwala ay something that both of them should work for. Di mo pwedeng idemand na magtiwala na lamang sa iyo ng basta basta ang partner mo. Pwede ka namang maging Malaya at gawin nais mong gawin kahit nasa relationship ka. Kung mahal ka ng GF mo, sasamahan ka nyang mag DOTA at kung mahal mo naman GF mo, intindihin na delikado na ang streets ngayon kahit na alas otso pa lang… and with this comes my last point. 

5. I am yours, she’s mine.

Ang relationship ay companionship at hindi kailanman ownership. We own things but not people. Di mo pag-aari ang isang tao at hindi mo pwedeng gawin na lang lahat ng nais mo sa kanila anytime, anywhere. Pwedeng pindutin ang cellphone kahit saan, pasikreto man o sa public. Pwede mong ipangalandakan bago mong sapatos, laptop o anu pa man, subalit di mo pwedeng gawin ito sa GF o BF mo (Experiment time!: sige nga, tratuhin mong parang cellphone GF/BF nyo at subukan nyong pindutin sila sa jeep… ). Ang tao’y dapat tratuhin bilang tao - everyone deserves that. 

Di na siguro bago sa atin ang kasikatan ng mga sex videos (Paolo Video-ness) at buwan buwan na lang merong bagong scandal na pinagpyepyestahan ang mga sagradong manyakis.  Bakit nga ba ito ginagawa? Para patunayan sa buong mundo na pag-aari mo yung kasama mo sa video? Bakit ito ikinakalat? Or perhaps, bakit kailangan pa kasing ivideo ang isang bagay hindi na dapat pang malaman ng publiko?(at oo, kasama na din dito pagkain mo ng breakfast, lunch at dinner).

Kung susuriing maigi mga rason nila, isa lang ang puno’t dulo ng kanilang takot sa relationship (at kung bakit mas nanaiisin nila ang FUBU), ayaw nilang magmahal. Natatakot sila sa kung ano mang maaaring mangyari sa relationship sa bandang huli (hence, my first point). Masyadong futuristic ang mind set ng mga tao pagdating sa relationship at ang inaanticipate kaagad ay ang break up. Subalit sa ganitong perspektibo, nawawala na ang enjoyment of the moment. Why focus on the future if there’s no present yet?

 

Dahil sa pagiging paranoid, di na tayo nabubuhay ng matiwasay dahil FEAR na ang kumakain sa atin. Ang takot ay palaging nariyan at hindi naman yun masama. Normal lang na matakot tayo, pero bilang tao, ang kailangan nating gawin ay kung papaano natin gugupuin ito. Face the fear, conquer it and understand it. Kung hindi ka magsusubok at makukuntento ka sa superficial at temporary, di ka kailanman sasaya. 

Para ka lang yung mga bote ng beer sa ilalim ng kanilang table. Mukhang beer, mukhang nakakabigay ng aliw at saya, pero deep inside – empty. 

At para ka din lamang itong mga batang ito, akala nila naloloko nila ang isa’t isa (at mga sarili nila),

pero I know, deep down inside – they long for that love

and they want to know the person who will fill that longing and emptiness inside them.

Sana’y mahanap nila.

 

Comments

Popular posts from this blog

A Blank Verse Poetry

I ran this morning. Gray sky, nothing special. Weather that doesn’t force you to feel anything. Usually, I wander without purpose. Today, something stopped me. Time is a trap. We pretend it’s limited, but it isn’t. So we rush through it—steps, choices, life—until it all blurs. The small things disappear. The smell of earth, the quiet air. Gone. A song got stuck in my head. “I’ll stop the world and melt with you.” Unwanted. Persistent. How did it get in? Maybe fate. Maybe nothing. I don’t believe in destiny, but here I was—stuck in the sound, stuck in a loop. The world paused inside me. I didn’t move. The day went on. Hands trembled—not from connection, but from the weight of existing. Scars on skin—maps of past failures. Nothing clean, nothing clear. I touched a cheek. No softness. Smoke? Habit? Grip loosened—like sanity slipping. Wanting to let go, but afraid of the emptiness that follows. I kissed a cheek. A stupid move. A laugh broke the silence. A glitch. A mistake. Coffee a...

The Slow Death of the Familiar Lie

The 2025 elections just ended. Not with fireworks, not with riots—just the quiet unraveling of yet another chapter in our nation’s long and complicated dance with democracy. There’s something different in the air this time. Something subtle, like the way dusk falls before you even realize the day is gone. You feel it before you name it: a shift. Not seismic, perhaps not even visible to the untrained eye. But there, like a whisper at the edge of a crowded room. People have grown wiser. And no, this isn’t naive optimism. It’s not the kind of blind faith that wears campaign colors and chants slogans. It’s the kind of wisdom that comes from repeated heartbreak—from choosing hope too many times, only to be betrayed by men in suits and smiles. From believing in change only to see it morph into the same old trapo politics dressed in newer fonts. “Pain is a brutal but effective teacher—especially in a country where memory is often the first casualty of every election cycle.” But maybe ...

The Tension Between Hope and Despair

This is w here the light breaks just to drown. Hope isn’t some pretty thing. It’s a slow burn that keeps you awake at night, fooling you with a whisper, “Maybe this time.” It digs its claws in, even when everything screams you’re done. Hope’s the hook you can’t shake, even when it’s tearing you apart from the inside. Despair doesn’t wait politely. It crashes in like a storm, cold and sharp, and it doesn’t care if you’re ready or not. It doesn’t dance with hope—they fight. It’s brutal, ugly. Despair wants to swallow everything whole, leaves no room for mercy. There’s no peace between them. It’s a war you didn’t sign up for, but you live it every damn day—grasping for that fragile flicker, even as the darkness tightens around your throat. You hold hope like a lifeline but feel despair pulling the knot tighter. No balance. No graceful dance. Just a mess of broken promises and shattered dreams. Hope keeps you chasing ghosts; despair waits, patient, knowing it will win. And the worst p...