Tutal normal na lang ata ang humilata pag weekend at mag surf, manood or magdownload sa phone no? isang sabado, habang nagsusurf I decided to download some android games (babala: wag magdodownload ng pirata– suportahan natin ang mga mukhang perang mga kapitalistang manufacturers at game programmers sa over priced games nila) so pumunta ako sa isang sikat na forum para sa mga hackers.
Pagkatapos nakakita ng games , shift to super download mode at salamat sa PLDT dahil PAGKABILIS BILIS ng connection nila 😑😑😑.
While waiting, nag browse at napadpad ako dun sa literati section. Dahil wala namang magawa, inaliw ang utak sa pagbabasa ng original pieces na gawa ng mga tao dun sa forum. May mga poems, short stories at talaga namang mawawala ka sa realidad habang binabasa yung mga gawa nila. Ang nakakatuwa pa ay yung mga comments ng mga netizens at narealize kong sa comment pa lang pala, maaari mo ng masilip ang part ng personality at kung paano ang takbo ng utak ng bawat forum member.
Meron comedy, may drama, may wala lang at meron ding di mo maintindihan (dahil nagpupumilit gumawa ng akda sa lingwaheng di naman kabisado) (second side comment: I know na maski ako madami rin 😂). Meron ding di mo talaga maintindihan dahil masyadong encrypted – pero sabagay, gawa nila yun at sa poetry, mas madalas na yung may akda lang ang talagang nakakaalam ng nilalaman ng kanyang tula.
Meron comedy, may drama, may wala lang at meron ding di mo maintindihan (dahil nagpupumilit gumawa ng akda sa lingwaheng di naman kabisado) (second side comment: I know na maski ako madami rin 😂). Meron ding di mo talaga maintindihan dahil masyadong encrypted – pero sabagay, gawa nila yun at sa poetry, mas madalas na yung may akda lang ang talagang nakakaalam ng nilalaman ng kanyang tula.
Anyways, while reading the pages, meron yung feeling na tipong medyo nawawala ang isang solid part ng sarili mo in those poems. Minsan, nararamdaman mong ikaw yung character doon sa story na binabasa mo.
Habang nagbrobrowse meron title na nakahila ng curiosity ko. It was Moon Lover so click on the mouse at nung nag open yung page, gulat ang tumambad sa akin dahil pamilyar yung poem. Pamilyar sya di dahil sa kasikatan, pero pamilyar sya kasi pamilyar sya! It took me a couple of seconds to dig deep in my memory and try to remember where I've read the poem, tapos yun na yung ‘TING’ moment (with matching light bulb sa ulo)! Nakita ko sarili ko in between those verses (LITERALLY!) – at na decrypt ko yung code. ACROSTIC poem ko ito!
Last year pa nung nagawa ko yung poem at nung sinearch ko yung poetry website kung saan ako nagpopost ng poems dun ko na conclude na tamang hinala nga ito. OUCH! nakakainsulto pala kapag pinapalitan yung ibang words mo (kaya medyo sumablay yung 4 letters dun sa code) pero alam mong carbon copy ang lahat.
Parehong pareho yung number of lines, the end words and the rhyme.
Kaya’t dito pumasok yung dilemma.
Una, mag cocomment ba at ilalagay ko yung original source together with the date upang pahiyain sya sa buong forum? Hahabulin ba yung credits na nararapat lang sa akin?
Pangalawa, I memessage ba sya at sabihing ilagay yung pangalan nung original source (dahil in the first place, gawa ko naman talaga yun di ba?)
Pangatlo, hayaan na lang dahil pwede naman nyang sabihing sya yung may pseudonym nun at ako lang ang lalabas na masama at desperado sa attention?
Pang-apat, hayaan na lang at matuwa dahil kahit papaano, madaming naka ramdam nung emotions dun sa poem (based from the reactions and comments of the people)
So paano nga ba?
Napagdesisyunan kong sundan na lang yung pangapat.
I admit, I felt mad at first pero upon deeper reflection, napagtanto na walang sense kung magcocomment at makikiaway pa sa tao.
Walang sinuman ang may karapatan na at umapak ng self esteem ng iba dahil I personally know first hand how difficult it is to bring back one's self esteem. Isa pa, hindi rin ako desperado sa credits. I write to express thoughts and emotions. YUN PA DIN ANG AIM ng pagsusulat ko - magsulat.
Tulad ng mga nasabi ko na sa past, sa ideya na nakakapagpagaan ng loob ang pagsusulat at ito ay kapayapaan na sa akin. this is where I find my peace. Di naman kagandahan mga gawa ko, normal lang (malamang pangit nga sa iba) kaya dapat matuwa na lang dahil meron palang mga taong nakakaapreciate sa poetry ko (kahit na baguhan lang)
Bakit kailangang maghabol ng likes, credit at fame? Hindi ito ang aim at goal ko sa buhay dahil kung ganun din lang, I should’ve used my real name di ba?
Bakit kailangang maghabol ng likes, credit at fame? Hindi ito ang aim at goal ko sa buhay dahil kung ganun din lang, I should’ve used my real name di ba?
Ang paggamit ng pseudonyms ay upang itago ang isang parte ng sarili na di kailanman ma-aacept at ayaw intindihin ng mga tao. Ayaw kong makita nila kung sino ba talaga ako. Sa personal kasi, boring ako…
PERO sa pagsusulat, nacocompensate nung maskara yung pagiging boring ng realidad. Actually, minsan parang mas katotohanan pa nga ang sinasabi ng taong nakasuot ng maskara. (kaya di ko maintindihan kung mas normal ba sila sa pagsusuot ng maskara dahil nasasabi ang saloobin or mas peke sila dahil itinatago ang mga ito sa likod ng maskara? gulo no?)
Hindi naman sa pagiging plastic ito pero mahirap kasing maging open sa kung sino sino na lang at mas lalo namang mahirap maki argue sa mga taong ang premises nila is on a different perspective than yours. Ayokong nagwawaste ng time sa pag explain lalo na kung ang nais lang ng ka argue mong Makita ay yung point nya.
Hindi naman sa pagiging plastic ito pero mahirap kasing maging open sa kung sino sino na lang at mas lalo namang mahirap maki argue sa mga taong ang premises nila is on a different perspective than yours. Ayokong nagwawaste ng time sa pag explain lalo na kung ang nais lang ng ka argue mong Makita ay yung point nya.
Hindi naman sa nakikita ko parati yung point ng iba, all I am saying is that kailangang tingnan maigi ang lahat ng angles para maintindihan din yung mga arguments nila. Ang nakakainis kasi minsan sa ibang tao ay idedefine kaagad reasons mo as pilosopo, walang kwentang mga rason, immoral at masama ka o TANGA KA LANG TALAGA. Pero kung susuriing mabuti, napaka close minded lang nila.
Naniniwala akong kwento ang bumubuo sa mundo at Kwento ang nagbibigay saya sa mundo. Sa pagsusuot ng maskara, mas madaming kwento ang pwedeng mashare kasi there’s no holding back. Sa pagkwekwento, nakakausap ang sarili dahil wala naman pwedeng maka-kwentuhan dahil nga boring ako.
Balik na sa main point ng blog na to. Hindi na kailangan pang I message yung taong umangkin sa poem dahil nakamit ko na naman yung aim…
Nailabas na ang saloobin, nasabi yung nararamdaman, at ang pinakamahalaga sa lahat ay sa isang simpleng poem, merong naka-relate na reader.
Comments
Post a Comment