Skip to main content

Hangover and Ideas

Ang karakter ng isang tao ay di nabubuo in an instant, kundi ito’y nakakamit sa pamamagitan ng mahabang proseso at mas mahaba habang pasensya. 

Sa pagbuo ng isang matatag na karakter, kalakip nito ang kawalan, heartaches na nakakapang-emo, masasakit na aral at syempre sandamakmak na kamalian. 

Mangilan ngilan lamang ang mga taong kilala kong may malakas na karakter dahil di lahat ay nagnanais makaramdam ng sakit. Ang pinakamagandang istorya ay isinilang mula sa  hindi maipintang dusa at ang pinaka appreciated na pagkapanalo ay yung mga winning moments mo na iniluwal mula sa pasakit.

Kanina habang nagkakape, meron akong isang former student na isa na ding instructor ngayon (yehey so proud of her!). Nakiupo sya sa pwesto ko at sabing: “Sir, ibang iba kasi karakter mo kapag nagtuturo ka. Gusto kong gayahin estilo mo.” Bigla kong namiss ang pagtuturo. Mag iisang taon na din pala akong atrophic and I am struggling to make sense of this fudging world. 

Habang nag iisip, binagsakan ako ng isang bucket ng beer – o sige na, bigyan ko daw sya ng tips about teaching life which is very much related to the subject she’s teaching (which is also a subject I used to teach). Anyway, ayoko maging by the book kung kaya’t through the course of our conversation, I asked her to take down notes and we’ll both go with the flow.

Mahirap I accept na di ko na muling magawa yung trabahong nagbigay sa akin ng worth. This year, Loser ako – trabaho, friends, kindred, relationships and worse is, I lost myself. 

Kaya, eto mga realisasyon ko ngayon about life sa pagnanais na maintindihan sitwasyon ko at maibalik man lamang sana kahit maliit na parte ng sarili ko. (kasabay ng pagbisita ng anghel ng ka-emohan at labas ng phone cam, hanap ng magandang angle at selfie selfie time)

Anyway, itong article na ito ay ang aking pamamaraan ng pag satisy sa aking craving for teaching. Di man ito intelektwal, mas gugustuhin pa rin ng mga batang makinig sa experiential (syempre mas juicy! Ganyan talaga mga chismoso’t-chismosa no?).

Realisasyon:

1. Mahirap magsimula

Ang pinakamahirap gawin ay kung paano ba sisimulan ang isang bagay. Sa ating pagkakadapa, marerealize mong napakadaling gawin nito (di na nga kelangang imemorize yan). Normal lang ang katangahan sa isang tao kung kayat normal lang na ikaw ay nadapa (o muling madadapa). Ang mahirap gawin ay kung paano ka muling babangon. Minsan kasi mas tempting ang sahig. Magpakahandusay sa putik at humiga na lamang habang inaantay ‘life to pass you by.’

Gaano man kahirap simulan ang isang bagay, kelangan pa ding gawin yan. Isa kang tao, at utang na loob, maawa ka naman sa utak mo. Kung ang aso nga umiiwas sa bagay na nakasakit sa kanya, ikaw pa kaya? Mukha ka mang aso, asal aso o feeling mo isa kang aso, palagi mo pa ring tatandaan na tao ka pa din.

Wag makuntento sa katangahan at oras na para umisip ka ng paraan kung paano ba ang fashion mo while standing up. Kung gusto mong mag Chinese get up- then go, kung gusto mo tumumbling at magpaikot ikot sa ere habang nag twetwerk, go lang ng go. Ang importante, pinipilit mong bumangon in your own style.

2. Never blame anyone

Most of the time (ayoko man sabihin pero parang nagiging nature na nga ito ng mga tao) sinisisi natin mga tao sa paligid natin. In other cases, kung tayo ay nag iisa at nakagawa tayo ng isang bagay na tunay namang nakakainsulto sa ating utak, meron pa din tayong paraan para huwag sa atin mabunton ang sisi. Pwedeng sisihin mga lamang lupa, o yung taong iniisip mo nung ika’y natisod, o di kaya yung batong wala namang ginagawa.

Take note: sarili mong katangahan ang rason kung bakit ka natisod sa bato. Bato yan, lifeless, walang utak – samantalang ikaw, humans pride themselves of their intellect tapos ikaw eh sinisisi mo lang yang bato? 

Never mong ibubunton sa iba ang mga pagdurusa mo. Buhay mo yan at ikaw ang may hawak ng manibela kung saang direksyon nais mong pumunta. Ganun din kapag meron kang nagawang maganda, di ito showbiz na ‘first and foremost, it’s all about him up there (sabay turo sa kalangitan – sinong tinutukoy mo? Man on the moon?), This isn’t possible without my friends (pa hambog effect ka pa, ikaw naka achieve nun hindi friends mo – with or without them, it’s all about how passionate you were.) Tanggapin mo na lang ang katotohanan na blame will always be on you.

3. Silence is under rated

Appreciate mo ang katahimikan. Sometimes, ignoring people who love to talk sh!t about you is the best way to make your point. It’s plainly educated democracy. 

Kung papatulan mo pa ang mga bagay bagay na pinagsasabi nila sa iyo (regardless kung gaano man ito kasakit, katotoo o katha ng kanilang isipan) e di ikaw mismo ay katulad din nila. Tulad nga ng lagi kong sinasabi sa mga lectures: Oras na ikaw ay pumatay ng halimaw, magiging halimaw ka din. Never fight violence with more violence, rather, use silence. 

One way to do this is to detach yourself from their world. Give up mo facebook, twitter, o any connection sa mga taong mga ito (pero sa case ko, di ko magagawa yun dahil madami akong contacts, so BLOCK mo na lang sila. Wag na wag mong sisilipin page nila dahil gumagawa ka lang ng sarili mong problema)

Sa hiyawan at kaingayan ng tama at mali ay meron lugar sa gitna na madalas ayaw nating pagtuunan ng pansin. Ito ang lugar ng katahimikan. 

Minsan iniisip ko na ang lugar na ito ay isang field, at mas gugustuhin kong humiga sa damuhan nito dahil dito ko nahahanap yung katahimikang pilit kong inaabot. Sa katahimikan mo, ikaw ang nakakaalam ng katotohanan at hayaan mong itorture sila sa pag iisip ng kwento dahil burden nila iyon at hindi sa iyo.

4. Misplaced Self-worth

Confidence is good as long as you know where to place it. Pero sa aking pagmumunimuni, yung confidence ko sa aking pagiisip, sa pagiging eccentric at sa aking abilidad sa pagrarason ang dahilan kung bakit nagkakagulo buhay ko ngayon. Minsan okay din isiping wala kang worth. Di naman sa pagiging pessimist pero kailangang tanggapin na nobody owes us anything (except dun sa taong nagkautang sa iyo at iniiwasan ka na ngayon.) Kalimutan na ang ideyang humihingi sa iyo ng tulong ang mga tao dahil magaling ka sa bagay na iyon. That’s crap! Mas madalas ikaw ang nilalapitan dahil ikaw lang ang nandoon (o kaya ikaw lang ang uto uto at kayang kaya nilang paikutin.)

Kapag kasi dumating na ikaw sa puntong akala mo entitled ka na sa isang bagay, naghuhukay ka lamang ng sarili mong libingan. Oras na di mo nakuha yung ninanais mo dahil sa maling pananaw na tinulungan mo sila in the past, you will end up blaming (hence, point number 2). Di ko sinasabing wag kang tumulong, but choose the people who truly need your help. Parang choosing your battles din lang yan.

5. Be with yourself

Kapag ikay naapektuhan sa mga pinagsasabi ng mga ibang tao, kagagawan mo yan at ma ooffend ka lang for the rest of your life (similar to my 2nd point). Basic thought: di naman kailangang mag agree sa lahat ng tao.(at di mo rin kailangang mag pretend na okay ka sa ideas nila.) Di mo kontrolado pang-unawa ng mga tao at lalo namang di ka isinilang ng nanay mo para mag live up sa kanilang expectations. Ang kagandahan ng opinion ay may kalayaan kang ilahad ito at kung di man sila sumasangayon sa iyo, wag na wag mong babaguhin mga prinsipyo mo dahil lamang sa pagnanais na makuha kalooban nila (dahil sila mismo ay nagsasabi din ng kanilang mga opinion). Ang mundo ay binubuo ng opinyon at mga prinsipyo at hindi mga pisikal o materyal na mga bagay bagay. The world is made up of stories and your story is only known by you. Ang tunay na ikaw ay kung ano o sino ba ang nasa loob ng iyong katawan. Kung kaya’t “Be with yourself” means mauunawan mo sarili mo kung alam mo ang mga adhikain at mga pangarap mo. Know your dreams! Gaano man ka-senseless nito (gusto mong mag ballet, tumakbo ng hubo’t hubad o magsuot ng orange na Tshirt at magpretend na carrot, oka lang yan. Pangarap mo yan e!) Sa pamamagitan ng pagbibigay mo ng oras sa sarili mo, dito mo matututunan kung paano tumingin sa isang tao na walang halong bias at malisya (kahit pa mali sya… hahaha! Gets mo? Malisya – mali sya! Hehehe! Lame joke!) Kahit na susugatan ka sa talim ng mga dila at pasong paso ka na sa init ng mapanghusgang mga mata, ang desisiyon mo sa buhay ay nababase pa din sa sarili mong pananaw. Sa huli, magisa ka rin lang tatahak sa daan na iyong pinili.

At dito, wag matakot mapag isa. Sa ating pagiisa natin natututunan ang maraming bagay tulad na lamang ng pagkakaibigan. Maraming huwad na kaibigan na tipong kapag itinapon mo sa dagat, siguradong lulutang dahil ultimo kaibutaran at kalooblooban nila ay walang bahid organic. Sa iyong pagkakaluklok sa kadiliman matututunan ang tunay na kulay ng mga taong itinuturing mong mga kaibigan. Pagmasdan kanilang mga reaksyon, magmatyag kung sino ang magtatanggol sa iyong kawalan at tignang maigi kung sino ang di magdadalawang isip na magcancel ng kanilang plano dahil kelangan mo ng kasamang uminom ng kape. Sa kadiliman, marami ding aalis at iiwan kang nagiisa, subalit wag kang manghinayang bagkus ay matuwa ka. Dahil sa kanilang pag alis, nag iwan sila ng space kung saan maaari mong punan ng mga ideya at sa mga ideyang ito magblobloom ang awareness at appreciation sa mundong di mo narealize noon dahil mas nagfofocus ka sa ‘something’ (i.e. pseudo-friends) rather than the ‘nothing’ (space.) In short: Absence is a form of respect to yourself and to people who don’t appreciate your presence.

6. With endings come new beginnings

Merong new beginnings na kasunod ang bawat endings. Syempre hindi ito katulad nung nauna dahil kung ganun din lang, di na ito matatawag na new beginning kundi continuation (with the exemption of superhero movies – hindi new beginnings ang tawag dun kundi revamp. Binabago yung istorya kaya’t lalong nagiging walang saysay yung movies – paulit ulit at nakakasawa na) Anyway, sa konsepto ng universe na kinabibilangan natin, ang oras ay dahil sa expansion ng universe. Palawak ng palawak ang expansion nito kung kaya’t ang konsepto ng oras ay ‘always going to’ and it can never go back. Ang natapos na ay di na muling maibabalik pa subalit ang buhay ay patuloy na entrapped within the bounds of time. Kailangang magpatuloy ang buhay dahil nga wala ka naman na choice. Isipin mo na lang na sa lahat ng experiences mo sa past na nagdulot sa iyo ng matinding hapis ay isang biyaya ng kaalaman. Lahat ng bagay ay isang oportunidad na matuto at mag-grow depende na lang yan sa choice mo.

Huminga ka, manahimik ka, mag isip ka… lahat ay maaayos din. Maaaring di pa ngayon, pero eventually. Ang kagandahan ng change, hindi posibleng forever na lang na umuulan sa iyong mundo.

7. Embrace your sadness

Yakapin ang kalungkutan. Kung nais mong ma-appreciate ang kasiyahan kailangan mong mag take ng risk at magbabad sa iyong kalungkutan. Oras na naintindihan natin ito, saka lang natin marerealize yung extent ng happiness natin. Buntisin mo girlfriend mo, wag magtrabahao, itago sa mga magulang, sigurado mamromroblema ka ng 9 months. Pero after nito, maghanap ka ng work at aminin sa magulang, trust me – kakaibang tuwa mararamdaman mo oras na natanggap na nila sitwasyon mo unless binaril ka ng tatay mo dahil sa kalandian mo – syempre paano magiging happy ang isang bangkay? 

Ang buhay ay series ng kasiyahan at kalungkutan at lahat ay nababase sa pagtake mo ng risks. Engot ka na lang kung mas pipiliin mong maging mediocre. Have balls.

Last thoughts, di ko naman sinasabing pwedeng iapply ito ng lahat ng tao. Marahil epekto lang ito ng alak na ininom ko. Ngayong umaga ko pa lang isinusulat mga naaalala ko kagabi. Pag masakit kasi ulo ng isang tao, minsan di nya mawari kanyang patutunguhan although andun pa din naman yung enthusiasm ko. Malamang hangover nga ito.. mura lang naman kape… Ganyan ang life – vicious circle, magpakalasing, ma-hangover, maging sober para lamang uminom muli. Peros sa ngayon iba muna iinumin ko.


Kape tayo.

Comments

Popular posts from this blog

A Blank Verse Poetry

I ran this morning. Gray sky, nothing special. Weather that doesn’t force you to feel anything. Usually, I wander without purpose. Today, something stopped me. Time is a trap. We pretend it’s limited, but it isn’t. So we rush through it—steps, choices, life—until it all blurs. The small things disappear. The smell of earth, the quiet air. Gone. A song got stuck in my head. “I’ll stop the world and melt with you.” Unwanted. Persistent. How did it get in? Maybe fate. Maybe nothing. I don’t believe in destiny, but here I was—stuck in the sound, stuck in a loop. The world paused inside me. I didn’t move. The day went on. Hands trembled—not from connection, but from the weight of existing. Scars on skin—maps of past failures. Nothing clean, nothing clear. I touched a cheek. No softness. Smoke? Habit? Grip loosened—like sanity slipping. Wanting to let go, but afraid of the emptiness that follows. I kissed a cheek. A stupid move. A laugh broke the silence. A glitch. A mistake. Coffee a...

The Slow Death of the Familiar Lie

The 2025 elections just ended. Not with fireworks, not with riots—just the quiet unraveling of yet another chapter in our nation’s long and complicated dance with democracy. There’s something different in the air this time. Something subtle, like the way dusk falls before you even realize the day is gone. You feel it before you name it: a shift. Not seismic, perhaps not even visible to the untrained eye. But there, like a whisper at the edge of a crowded room. People have grown wiser. And no, this isn’t naive optimism. It’s not the kind of blind faith that wears campaign colors and chants slogans. It’s the kind of wisdom that comes from repeated heartbreak—from choosing hope too many times, only to be betrayed by men in suits and smiles. From believing in change only to see it morph into the same old trapo politics dressed in newer fonts. “Pain is a brutal but effective teacher—especially in a country where memory is often the first casualty of every election cycle.” But maybe ...

The Tension Between Hope and Despair

This is w here the light breaks just to drown. Hope isn’t some pretty thing. It’s a slow burn that keeps you awake at night, fooling you with a whisper, “Maybe this time.” It digs its claws in, even when everything screams you’re done. Hope’s the hook you can’t shake, even when it’s tearing you apart from the inside. Despair doesn’t wait politely. It crashes in like a storm, cold and sharp, and it doesn’t care if you’re ready or not. It doesn’t dance with hope—they fight. It’s brutal, ugly. Despair wants to swallow everything whole, leaves no room for mercy. There’s no peace between them. It’s a war you didn’t sign up for, but you live it every damn day—grasping for that fragile flicker, even as the darkness tightens around your throat. You hold hope like a lifeline but feel despair pulling the knot tighter. No balance. No graceful dance. Just a mess of broken promises and shattered dreams. Hope keeps you chasing ghosts; despair waits, patient, knowing it will win. And the worst p...