Habang ako’y nagbrobrowse ng facebook, napansin ko na madami pala akong former students na gragraduate na ngayon. Magkahalong lungkot at tuwa ang naramdaman ko. Lungkot, dahil nakakamiss din sila gaano man ka nonsense kanilang pag iisip minsan, at tuwa dahil makakamtan na nila ang papel at titulong kanilang pinaghirapan.
Napansin kong karamihan sa kanila ay may mataas na pangarap. Irrational sense of optimism, and I admire them for that. Sana ay patuloy nilang payabungin ito, tulad ng pag aaruga sa isang halaman. Ang mga pangarap ay kailangang diligan, alagaan, itanim sa lugar na fertile ang lupa upang maging firm ang kanilang mga ugat at higit sa lahat, importante din ang ‘trimming’ o pagtatanggal ng mga dahon na tuyot o di kaya’y nabubulok na upang di mahawa yung healthy part ng halaman. Sa madaling salita, dapat nilang malaman kung ano ang mga mahahalagang ideyang natutunan nila sa unibersidad na maaari nilang i-apply sa real world.
Tulad ng halaman, di lahat ng mga seeds na itinanim ay mabubuhay, mapait man sabihin, di lahat ng pangarap ay matutupad. Maaring yung iba ay mag abroad, meron ding magiging tambay, palamunin o kaya’y taga luto ng manok para sa higanteng bubuyog. Di ko ninanais ito subalit baka ang iba sa kanila’y magsusubok ng mga bagay na di nila nasubukan noong sila’y nag-aaral tulad ng droga, malamang gagawa ng di kanais nais na private video dahil sa curiosity, ma inlove to the point na nawawala na sila sa kanilang sarili, o di kaya’y tuluyang mabaliw dahil naipon ang mga ideya sa kanilang mumunting utak… at marami pang ibang posibilidad. (pero knock on wood… sana’y di naman mangyari ito.)
Nakakatuwang makita kanilang mga larawan kasama ang kanilang mga magulang (o mga mahal sa buhay). Di maipinta sa mukha ang tuwa at tunay nga naming nakakahawa ang kanilang mga ngiti. Sinsero ang aking tuwa dahil tinuring ko bawat isa sa kanila bilang aking mga anak. Marami akong mga katrabaho noon na nagtatanong kung meron ba akong student na ayaw, at madalas ang aking sagot ay wala. Dahil bawat isa sa kanila ay special, di kailangang mag judge at bilang isang ‘parent-figure’, kailangang maging objective. Minsan meron ding bad first impressions, but as second parents, we must give them a chance to prove themselves and we do have 3 months to give them that chance. At sa huli, ikaw din lang ang pasasalamatan dahil naging open minded ka. Walang pangit sa isang bagay na alam mo ang story.
Nasasabihan ko silang TANGA, o kaya’y BOBO – pero ito’y sa paraan na sila’y natatawa na lang at deep inside napapaisip sila. Di ako sikolohista pero sa tingin ko kailangan ibalance ang positive at negative reinforcement. Sa panahon ngayon, lahat ay instant, mula pancit canton, kape, term papers at kahit thesis. Sa internet pa lang, bumabaha na ng impormasyon at dahil dito, hinahamon ko silang maging responsible sa mga resources na available. Utilize it, use it but always aid it with responsibility.
Babalik nanaman ako sa kaibahan ng wisdom at knowledge. Sa kanilang pagtatapos, madami silang knowledge na encrypted sa kanilang mga ulo… pero ang mahalaga sa realidad ay ang aplikasyon nito. Nais kong patunayan nila na di sila bobo – paulit ulit mang sabihin, talaga nga namang walang puwang ang KATANGAHAN sa mundo. Tutal andyan naman si google, yahoo, ask me at kung ano ano pang search engines. Isa lang ang aking babala: wag masyadong umasa sa technology. Iba pa din ang amoy ng lumang libro.
Puno’t dulo ng writing na ito’y upang malaman nila na ang mahalaga sa buhay ng tao ay gawin ang isang bagay na nakakapagpatibok ng puso. Wag ipagpapalit ang happiness sa kislap ng ginto, sa tunog ng salapi at wag na wag magpapabulag sa barya. Sundan ang bulong ng puso, magsayaw kasabay ng mga patak ng ulan, tumingala sa langit, in short, do something that makes you smile. Bilang nakakatanda, nais kong matuto sila sa mga maling desisyon ko – wag nilang bitawan ang kanilang mga pangarap kahit na ito’y munti sa kanilang paningin. Wag sana silang bumitaw… ngayon ako’y muling nagsisimula, tulad nila… at sa tingin ko, isinulat ko ito para din sa aking sarili.
Anyway, I wish them all the best and my prayers are always with them!
Maligayang pagtatapos!
Comments
Post a Comment