Skip to main content

Unwritten Rules sa Inumang Pinoy

Download Beer Clipart Redhorse - Red Horse Beer - San Miguel ...
Sa 4 na araw na ako’y nagbakasyon sa probinsya upang mag proxy sa kasal ng nakababata kong kapatid, ako’y walang ginawa doon kundi makipag ‘stag party’ gabi gabi. OO, pinasosyal ko lang pero ang totoo, stag party sa lingwahe ko ay walang iba kundi inuman. 

Sa mahigit 25 years ko ng nakikipag inuman (bata pa po ako ha? walang kwentahan ng edad), narealize kong madami dami palang unwritten rules pagdating dito. 

Kung kaya’t ang topic ko ngayo’y about these rules. Bago makipag shot, mas magandang basahin ito dahil di natin alam, this can be useful to you. :)

1. Matutong makisama sa nagyayaya 
        
Kapag ika’y niyaya ng mga tambay na tumagay, Hindi maaaring sa bawat yaya nila ay puro hindi na lang ang iyong sagot. Minsan, kelangan magpabigay upang maiwasan din ang samaan ng loob sa mga kapitbahay (at minsan eh aakalain nilang sa paningin mo eh mas nakakataas ka sa kanila). Di naman necessary na mag stay ka dun pero dapat matuto kang makisama sa pamamagitan ng pag inom ng isa o dalawang tagay at i-explain kung bakit kelangan mo ng umuwi. 

Tandaan: ang mga manginginom ay hospitable at ang pagyaya sa iyo ay simbolo ng kanilang hospitality at pagnanais na ika’y makasama, makilala at simbolo ito ng pagturing nila sayong katropa or part of their social circle.

2. Taktak bago Lumaklak

Kapag bubuksan ang bote ng gin, empoy, granma o kaya tanduay, praktis ng karamihan na taktakin ang puwitan nito gamit ang siko or kung di ka pa hardcore masyado, pwedeng gamitin ang iyong palad. Mas mainam na meron ‘plok’ na maririnig. (Minsan plak, tak, tok) basta ang mahalaga ay meron itong tunog at syempre dapat mong makitang umangat yung bubbles. 

Sinasabing ito daw ay ginagawa para madisperse yung nag-settle na espiritu ng alak (due to the spirits’ density and molecular weight) sa ilalim. Kapag tama ang pagkakagawa, magiging swabe ang tama nito sa mga manginginom. Although madami na ang nagsasabing ginagawa nila ito pero ganun pa din naman yung hangover nila kinabukasan, ang punto dito ay magtiwala sa mga manginginom dahil ‘metaphysical chemists’ sila by nature. (mas malalaman ang scientific explanation nito habang nagiinuman na – wait mo lang na umepekto yung alak.) 

Tandaan:  Sumunod sa tradisyon dahil mas malaki ang mawawala kung mukha mo ang kanilang tataktakin gamit ang kanilang siko o palad.

3. Mag alay bago tumagay

Kapag kabubukas pa lang ng alak, dapat mag lagay ng konti sa takip nito at isaboy bilang alay sa masasamang espiritu sa paligid na nagdudulot ng kalasingan. Tawag dito ay alay, atang o kaya offering. Mortal na kasalanan sa batas ng mga manginginom kapag nakaligtaan itong gawin. 

Kung ikaw ang nagbukas at nakaligtaan ito, lahat ng kabalahuraan na nangyari sa gabing iyon ay sa iyo masisisi kaya kung ayaw mong masisi, sundan ang sagradong batas na ito. 

Tandaan:  wag magmamagaling at i-explain na walang correlation ang atang sa paginom at dugtungan ng statistical proof. Walang basagan ng trip kung ayaw mong yung bote ang basagin nila sa ulo mo.

4. Ilugar ang pagiinarte.

 Dapat iisa lang ang baso at tinidor sa inuman. Ito’y para sa unity at oneness ng mga umiinom. wag kang maghahanap ng extrang baso (sa alak) o tinidor (sa pulutan) dahil titingnan ka lang nila ng masama. Kung nais mo ng sariling baso dahil nandidiri ka sa laway ng mga kainuman mo, magbihis ka ng coat and tie o kaya dress tapos pumunta ka sa 5 star hotel na merong fine dining at magpakalasing mag isa. 

Tandaan: inuman ang pinuntahan mo at hindi sosyalan.

5. Paikutin ang Baso 

Sa inuman, dapat ay pinapaikot yung baso dahil ang purpose ng inuman ay to build a circle – no beginning and no end. Ang rationale sa likod nito ay upang mapatunayan na ang kaligayahan ay tipong di natatapos (dahil di napapansin ang oras kapag ika’y nakikipag inuman). Kung sa Pilipinas ka umiinom, dapat ang movement ng baso ay clockwise dahil sa coriolis force. (any place sa southern hemisphere). 

To explain coriolis force, Mapapansin mo na kapag ikaw ay nagflush ng toilet dito sa Pinas, clockwise ang rotation nung tubig, samantala kapag ikaw naman ay nasa Northern hemisphere, counter clockwise naman ang ikot nito. 

Dahil dito, dapat ganun din ang pag ikot ng baso kapag umiinom (depending where you are located). It’s the law of nature bebeh! 

Tandaan: ‘scientific spiritualists’ ang mga tomador at kung ayaw mong ma lecturan ng meteorological concepts coupled with astrological hoodoos, tumahimik ka na lang at sumunod.

6. 3 Minute-Rule

Bago makipag inuman, alamin ang 3-minute rule. Ito by the way ay unwritten rule ng mga lasenggo na kung saan ang baso ay di dapat tumatagal sa harapan mo ng mahigit tatlong minuto. Oras na di mo sinunod, ihanda ang sarili sa katakot takot na insultong maaring marinig. makakantyawan ka at maririnig mga common slang tulad ng “tinutubuan na ng ugat yung baso”. O kung ang mga kainuman mo ay yung mga tambay sa kanto, siguradong maririnig ang mga katagang “magtagal ka na sa s*s* wag lang sa baso.” 

Tandaan: kung mabagal kang uminom, dapat mag practice ka muna at mag train sa bahay ninyo. Ang pagiging manginginom ay isang skill that requires hardwork and lots of training.

7. Makibagay sa mga katagay

Alamin ang iyong mga kainuman at matutong maki level sa kanila. Kapag mga propesyonal ang kasama, pumili ng topic hindi nakaka insult sa kanilang kaalaman. Never pagusapan ang trabaho unless eto yung isyu na plan for that drinking session. Kung ang mga kainuman naman ay mga tambay, huwag pag uusapan ang Cartesian doubt, transcendence, a priori at aposteriori o kaya statistics dahil nose bleed naman ito sa kanila. Nakikipag inuman ka para makipag kaibigan at hindi para mag pasikat. 

Tandaan: kung gusto mong mag lecture, sa school ka pumunta at wag sa inuman.

8. Topic na masaya at wag madrama

Huwag magkwekwento ng love story mo kung di naman nila tinatanong. Ang inuman sa kanto, sa eskenita o sa tabi tabi ay simbolo ng kasiyahan at hindi ito ang lugar upang isaliwalat mo ang sama ng loob mo at hirap ng buhay mo. Kunwari lang na interesado sila habang nagkwekwento ka pero sa totoo lang, bored to death na sila. mas magandang pag usapan ang mga masasaya at nakakatuwang bagay habang umiinom kesa puro negativity. 

Tandaan: Gaano man kadrama buhay mo, sarilinin mo na lang. Inuman ito at hindi tele-serye. malay mo, meron sa kanilang makaisip magsubmit ng kwento mo sa Maalaala Mo Kaya o kaya KMJS.

9. Pumili ng topic na para sa lahat!

Sa inuman, mabilis ang transition ng topic. Huwag mag stick sa iisang topic at huwag na huwag pag uusapan ang taong iilan lang kayong nakakakilala. Inuman ito at hindi trip to memory lane. Huwag mang OOP ng kahit sino and as much as possible, isali sila sa lahat ng topics. Mukha lang itong mahirap gawin (kapag sober kayo) pero ang realidad ay pag lasing na ang mga tao nagkakaroon ng occupational transformation: nagiging scientists, English speakers, math genius, astronauts, engineers, psychologists, philosophers, political analysts, pastors at kung ano ano pa sila. 

Tandaan: wag mong gawing data sa thesis mo yung mga kwentong maririnig dahil mawawalang saysay lang sinusulat mo (or baka di ka maka graduate.) di lahat ng kwentong alak ay facts. 

10. Ilagay sa Tiyan at wag sa ulo

Ang alak ay sa tiyan nilalagay at hindi sa ulo. Di maiiwasan na minsan ay may mga war freak kang makakasamakung kaya ang tamang pakikipag deal sa kanila ay sakyan na lamang sila at subukang ipacify mga kumukulong dugo.( Sa susunod wag na silang isasama). Kung ikaw naman yung tipong madaling magalit at naghahanap ng gulo kapag nakainom, palaging magdala ng Catapres (o para mas mura Clonidine) para sa high blood mo. Magpacheck up ka na din sa doctor dahil baka naman valium kailangan mo. 

Tandaan: kung gusto mong makipag basagan ng bungo, sumali ka sa UFC at mag Mixed Martial Arts ka na lang.

11. Ratio ng Pulutan sa alak

 Ang efficient ratio ng pulutan sa alak ay 2:1. Sa bawat dalawang tagay ng alak ay may katumbas na isang kutsarang pulutan. (kung mani o corn bits ang pulutan, isang pinch ang katumbas nito.) 

Huwag na huwag kang sosobra dahil matatawag kang Kung-Fu (kung fumulutan malupet!) Kung di mapigilang kumain ng pulutan, magdala sa bag ng sariling pagkain at pasimpleng kainin ito ng walang nakakapansin. 

Tandaan: Inuman pinuntahan mo at hindi pyesta.

12. Chaser Ratio

Ang chaser ay ginagamit upang ma dilute yung alak at di gaanong malasahan yung pait nito. Tulad ng pulutan, meron ding corresponding na efficient ratio ang chaser. (By the way, efficient kasi ito ang the best na measurement para wag kang malasing kaagad.) Sa isang jigger ng hard drink, nararapat na merong ¼ ng chaser glass (usually yung chaser glass ay yung pinaglalagyan ng kape na may design pa sa may puwitan nito) at twice kang iinom within a 6 minute interval inbetween (given na strictly sinusundan yung 3 minute rule). 

Ang sanhi ng hangover ay dehydration sa kadahilanang ihi ka ng ihi kapag nakikipag inuman. Kapag madamihan ang iniinom mong chaser, tendency nun ay iihi ka ng iihi kung kaya’t ang best practice ay paunti unti pero madalasan para lesser waste at maaabsorb ng katawan mo yung iniinom mong chaser. 

Tandaan: the lesser the chaser, the better. Kung kaya mong di na mag chaser, sunog baga na tawag sa yo at kailangan mo ng mag pa-check up ng liver.

13. Chaser Coding 

May color coding ang chaser: pag puti iniinom mo, dapat ay puti din chaser. Kapag de color naman, ay ganun din dapat ang chaser. Parang paglalaba yan, di mo ihahalo ang pula sa puti. Kung gin ang iniinom, dapat ay tubig o kaya Sprite ang chaser at kapag tanduay, granma, or empoy naman, dapat ay iced-tea, juice or coke ang chaser. Ito ay isang batas na dapat sundin at wag nyo kong tanungin kung bakit. 

Tandaan: ignorance of this law excuses no one. Bawal maging TANGA. Kung ikaw ang naatasang runner at kelangan mong bumili ng chaser, wag na wag kang magkakamaling paghaluin ang de color at puti. Kung sarado na lahat ng stores, problema mo na yan – kung kailangan mong pumunta sa kabilang bayan, wala kang choice. Kailangang sundan mo ito no matter what it takes.

14. Patayin lahat ng cellphones at gadgets. 

Marahil ay ito ang isang nakakaligtaan ng mga tao kapag nag iinuman. Ang cellphones at gadgets ay distorbo sa tunay na layunin kung bakit kayo nagiinuman at nagsasama sama. Kapag naka on kasi cellphones iisa lang naman laman ng mga inbox ninyo: “UMUWI KA NA!”. 

Pangalawa, di yata tamang kumuha ng pictures at selfies na merong alak sa tabi mo. Paano kung nag background check yung inaaplayan mong trabaho at nakitang puro inuman pinupuntahan mo? 

Pangatlo, araw araw mong kasama cellphone mo samantalang yung mga kasama mo sa inuman ay minsan lang. at Lastly, di lahat ng nakakainuman ay kakilala. Paano kung nawala yung cellphone mo dahil sa kalasingan? Magkakaroon pa ng problema, sisihan at bintangan dahil sa katangahan mo. there’s always a time for everything. 

Tandaan: pumunta ka sa inuman para magpaka lasing at hindi para magtext, magpasikat ng cellphone, maglaro ng games, mag facebook o kaya para mag pa picture.

15. Plan your way to the CR

 Alamin ang shortest way papuntang CR. Di maiiwasang meron at merong magsusuka sa inuman. Kung ikaw yung tinutukoy ko dito, alamin ang shortest route at kung paano ka magmamaneuver papuntang cr para maiwasang magpakain ng aso, pusa, o itik. Iwasan mo ding kumain ng kare kare o kaya dinuguan bago makipag inuman dahil siguradong di kanais nais ang mangyayari kapag ika’y nasuka. 

Tandaan: pwedeng mag pass kung sa tingin mo ay di mo na kaya. Wag magkunwaring malakas ka uminom dahil hindi naman palakasan ang pag shot.

16. Ang poste ay hindi cr. huwag uminom sa lugar na walang CR. 

Need pa bang iexplain ko eto?

Tandaan:  Tao kayo, hindi aso.

17. Pag may ALAK wag magbalak!

Respeto ay isang bagay na dapat matutunan ng lahat ng tao. Drinking is not an avenue for you to get laid. Ang alak ay simbolo ng pakiki isa at ituring na sagrado ang samahan kapag nag iinuman. Don’t take advantage kung nalasing na yung mga babaeng kasama. 

Tandaan: Kung gusto nyong maka score, tumambay kayo sa gay bar, prosti den or sa mga parke baka maka tsamba pa kayo ng 3 for 100. Pero mahiya naman kayo sa sarili nyo. Di naman siguro kayo ganun kapanget at walang nagkakagusto sa inyo.

18. Wag manliligaw kapag nakikipag inuman. 

Tandaan: Pustahan! kinaumagahan mag bre-break din  kayo.

19. Bisita wag Bwisita

Hindi porke’t inimbitahan ka na ay di ka na tutulong sa bahay ng nagpapainom. Umigib ka ng chaser, i-refill mo yung pulutan at makinig sa nagkwekwento. Wag kang senyorito at agaw eksena. 

Tandaan:  kung ikaw ay batugan at spoiled, dun ka sa kaharian mo uminom at hayaan kang pagsilbihan ng mga katulong mo.

20. Ang lahat ng nasa sacred circle ay property ng lahat

Lahat ng nasa loob ng circle ng mga nagiinuman ay para sa lahat. Kung ayaw mong mag share ng yosi mo, wag ilalagay sa gitna ng table. Oras na nakaligtaan mo ito, wag kang mag cocomplain kung sa loob ng 5 minuto ubos na yung isang kaha mo. Pangalawa, kung nasa bulsa ng kasama mo yung yosi, bawal humingi sa kanya dahil ibig sabihin nito ay wala syang balak mag share. 

Tandaan:  Matutong makiramdam pag may time.

UPDATE:

Sa Panahon ng COVID19, pwedeng ilet go muna si Number 4. Ang tanong, so 19 na lang ba ang rules? 
Hindi po. 20 padin sya. in place of No. 4: ilugar ang pagiinarte, ito naman po ang number 4 ngayon.

NEW #4. Tanggalin ang Face Mask bago tumagay 
Tandaan: Pagkatapos tumagay, ibalik din agad ang mask. Kalasingan hanap mo, hindi virus.

Alam kong madami pang rules pero sa ngayon eto lang ang naiisip ko. Although kulang pa itong list ko, it’s already a good start for everyone to know these para swabe and good times ang result ng inuman.

So ano pa hinihintay mo? Shot na! :)

Comments

Popular posts from this blog

A Blank Verse Poetry

I ran this morning. Gray sky, nothing special. Weather that doesn’t force you to feel anything. Usually, I wander without purpose. Today, something stopped me. Time is a trap. We pretend it’s limited, but it isn’t. So we rush through it—steps, choices, life—until it all blurs. The small things disappear. The smell of earth, the quiet air. Gone. A song got stuck in my head. “I’ll stop the world and melt with you.” Unwanted. Persistent. How did it get in? Maybe fate. Maybe nothing. I don’t believe in destiny, but here I was—stuck in the sound, stuck in a loop. The world paused inside me. I didn’t move. The day went on. Hands trembled—not from connection, but from the weight of existing. Scars on skin—maps of past failures. Nothing clean, nothing clear. I touched a cheek. No softness. Smoke? Habit? Grip loosened—like sanity slipping. Wanting to let go, but afraid of the emptiness that follows. I kissed a cheek. A stupid move. A laugh broke the silence. A glitch. A mistake. Coffee a...

The Slow Death of the Familiar Lie

The 2025 elections just ended. Not with fireworks, not with riots—just the quiet unraveling of yet another chapter in our nation’s long and complicated dance with democracy. There’s something different in the air this time. Something subtle, like the way dusk falls before you even realize the day is gone. You feel it before you name it: a shift. Not seismic, perhaps not even visible to the untrained eye. But there, like a whisper at the edge of a crowded room. People have grown wiser. And no, this isn’t naive optimism. It’s not the kind of blind faith that wears campaign colors and chants slogans. It’s the kind of wisdom that comes from repeated heartbreak—from choosing hope too many times, only to be betrayed by men in suits and smiles. From believing in change only to see it morph into the same old trapo politics dressed in newer fonts. “Pain is a brutal but effective teacher—especially in a country where memory is often the first casualty of every election cycle.” But maybe ...

The Tension Between Hope and Despair

This is w here the light breaks just to drown. Hope isn’t some pretty thing. It’s a slow burn that keeps you awake at night, fooling you with a whisper, “Maybe this time.” It digs its claws in, even when everything screams you’re done. Hope’s the hook you can’t shake, even when it’s tearing you apart from the inside. Despair doesn’t wait politely. It crashes in like a storm, cold and sharp, and it doesn’t care if you’re ready or not. It doesn’t dance with hope—they fight. It’s brutal, ugly. Despair wants to swallow everything whole, leaves no room for mercy. There’s no peace between them. It’s a war you didn’t sign up for, but you live it every damn day—grasping for that fragile flicker, even as the darkness tightens around your throat. You hold hope like a lifeline but feel despair pulling the knot tighter. No balance. No graceful dance. Just a mess of broken promises and shattered dreams. Hope keeps you chasing ghosts; despair waits, patient, knowing it will win. And the worst p...