Sa 4 na araw na ako’y nagbakasyon sa probinsya upang mag proxy sa kasal ng nakababata kong kapatid, ako’y walang ginawa doon kundi makipag ‘stag party’ gabi gabi. OO, pinasosyal ko lang pero ang totoo, stag party sa lingwahe ko ay walang iba kundi inuman. Sa mahigit 25 years ko ng nakikipag inuman (bata pa po ako ha? walang kwentahan ng edad), narealize kong madami dami palang unwritten rules pagdating dito. Kung kaya’t ang topic ko ngayo’y about these rules. Bago makipag shot, mas magandang basahin ito dahil di natin alam, this can be useful to you. :) 1. Matutong makisama sa nagyayaya Kapag ika’y niyaya ng mga tambay na tumagay, Hindi maaaring sa bawat yaya nila ay puro hindi na lang ang iyong sagot. Minsan, kelangan magpabigay upang maiwasan din ang samaan ng loob sa mga kapitbahay (at minsan eh aakalain nilang sa paningin mo eh mas nakakataas ka sa kanila). Di naman necessary na mag stay ka dun pero dapat matuto kang makisama...
I dwell in the spaces where shadows meet light, where questions outnumber answers. A seeker of truths buried deep, I write to unearth what lies beneath the surface. In the chaos, I find my voice. In the silence, I find myself.