
Minsan napapaisip at napapatanong ako na sa paglikha ba ng art, music, or sa pagsusulat e mas naihahayag natin ang tunay na concept ng kalayaan?
Di ba sa ARTS as a whole eh walang limitasyon, walang hindrances ng policies at laws, kundi guided tayo ng ating mga ideya lang. Kahit na ang ating mundo ay puno ng difficulties, insecurities and absence ng certainty, sa paglikha ay nadadama natin ang kalayaan at dito, pwede tauong magpakalunod sa mga emotions na tanging art lamang ang kayang mag express.
Malaya ang taong gawin ang kanyang nanaisin, Subalit hindi rin maiiwasan na sa kalayaang yan eh merong mga bagay na nagagawa at mga salitang nabibitawan na nagdudulot ng pain at difficulties sa ibang tao. Eto ang dahilan kung bakit marami din ang nagsasabing kailangan nating icontrol ang ating kalayaan dahil baka meron taong nasasaktan sa ating mga pinagsasabi or pinag gagawa. Basic civility, ika nga.
Pero di naman din ibig sabihin nito na kailangang manahimik ka na lang at tanggapin kung ano man ang mga ibinabato sa iyo. Di ibig sabihin ng civility ay huwag kang magsalita (positibo man o negatibo). Ang sakit na nadarama mo dahil sa sinabi ng ibang tao ay dahil sa kawalan ng kritikal na pag iisip (both sa side mo at sa mga taong tumatapak sa iyo).
Kung kaya, basic lang na ihayag ang nasa iyong pananaw, at mangarap ka na lang na sooner or later maiintindihan din nila ang iyong pinagsasabi (gaano man ito kawalang kwenta)
O di kaya sooner or later, ikaw mismo ang makaka realize na wala nga talagang kwenta mga pinagsasabi mo.
Hayaan mo lang dumaloy ang mga ideyang iyong nasasapuso at nasasaisip sa mga panahong ito dahil darating din ang tamang pagkakataon na mas malalim mong mapag iisipan ito ng mas kritikal pa kesa sa ginagawa mo ngayon.
Mga pananaw ay nagbabago at sa transition ng kamangmangan patungong kaalaman, malamang dito natin nakikita ang tunay na konsepto kalayaan.
Comments
Post a Comment