Pero bago humusga, di ko naman sinasabing saksakan ako ng sama.
Tao din naman ako, may pakiramdam at sa pakikiramdam, dito ko nararanasang mairita paminsan minsan sa mga taong pilit nangingialam sa mga bagay bagay na di naman dapat pinakikialaman.
Ang husay at talento ng isang tao ay nakikita sa kanyang gawa at hindi sa salita – at more than this, di dapat ipagpilitan ang kaalaman sa isang taong di pa nalalaman ang syang bagay o ideyang alam mo na.
Dapat ganito – di dapat ganyan… ano nga ba ang nararapat? Di bat may kanya kanyang paraan ang mga tao sa paggawa ng isang bagay?
E ano kung mas gusto kong unahing hugasan ang pinggan kesa sa baso? Kanya kanyang trip lang yan at sa bawat trip ay merong rason na sila lamang ang nakakaalam kung bakit.
E ano kung jacket ang tawag ko sa ‘bolero’ o kaya anong pakialam mo kung ‘tights’ ang tawag ko sa compression pants?
Ang pakikisama sa ibang tao ay isang art – at sa isang nagkukunwaring artist, ito’y isa sa mga bagay na di ko matutunan. Malamang dahil ayokong napagsasabihan o binibigyan ng advice lalo na kapag alam ko naming di ko kelangan nito. Sa lahat ng dinanas ko, siguro naman sapat na ito upang mabigyan ako ng kakayahang maging mapag isa at harapin lahat ng pagsubok na di nangangailangan ng ibang tao.
Medyo mahirap talagang magtrabaho with a team kaya nga mas nanaisin kong gumawa ng isang bagay na ako lang para kapag ito’y mag mess up, walang ibang sisisihin kundi sarili ko lang.
Sa lahat ng kamalasan at problemang nangyayari, wala naman akong ibang pwedeng sisihin kundi sarili ko lang – una, masyadong lumambot yata ang aking pananaw, naging hopeful masyado sa isang storya. Dapat tanggapin na ang buhay ay hindi fairy tale, kundi ito’y trahedya na kailangang tanggapin at I-overcome. Maging bato pero wag naman manhid dahil sa pagpipilit mong wag masaktan, baka ikaw naman ang nakakasakit. At iyan ang pilit kong iniiwasan at dapat kong matutunan.
Pangalawa, ilang beses na bang may mga taong nasaktan dahil sa akin? At sino pa nga ba ang sisisihin ko? Di ko pwedeng ibunton sa ibang tao, sa destiny o sa kapitbahay kong tila gabi gabi na lang kumakanta ng my way habang nakikipag inuman, ito’y nasa disposisyon at pananaw sa mga pangyayaring maaaring meron kang say (o mas madalas, wala.) ang pagtanggap ay mahirap gawin, pero ito ang unang hakbang sa pagtayo.
At sa huli, Lahat ay nasa choices. Pinili kong maging ganito at magisip ng ganito. Kaya siguro maaari ko ding baliktarin ang mga choices ko. Di ko pwedeng sisihin ang aking utak, pilosopiya o pananaw – ito’y mga maliliit na parte lamang sa kung ano ba talaga ako. di ako ang utak ko, ito’y parte lamang ng aking pangkalahatan. Tulad din yan ng pag jujudge ng tao – di mo pwedeng sabihing ganito sya dahil lamang sa isang gawa. Sadly, ganito magisip ang mga tao.
Hahanap at hahanap ang tao ng sisisihin. Hahanap at hahanap ng bulok o di kaya’y gagawa ng paraan para mabulok at masira ang mga bagay na di naman dapat sirain.
Paano ka magiging mabait sa ganitong sistema?
Bumuntong hininga ka na lang. *sigh*

Comments
Post a Comment