Ang hirap magpakabait, o magkunwaring mabait. Pero bago humusga, di ko naman sinasabing saksakan ako ng sama. Tao din naman ako, may pakiramdam at sa pakikiramdam, dito ko nararanasang mairita paminsan minsan sa mga taong pilit nangingialam sa mga bagay bagay na di naman dapat pinakikialaman. Ang husay at talento ng isang tao ay nakikita sa kanyang gawa at hindi sa salita – at more than this, di dapat ipagpilitan ang kaalaman sa isang taong di pa nalalaman ang syang bagay o ideyang alam mo na. Dapat ganito – di dapat ganyan… ano nga ba ang nararapat? Di bat may kanya kanyang paraan ang mga tao sa paggawa ng isang bagay? E ano kung mas gusto kong unahing hugasan ang pinggan kesa sa baso? Kanya kanyang trip lang yan at sa bawat trip ay merong rason na sila lamang ang nakakaalam kung bakit. E ano kung jacket ang tawag ko sa ‘bolero’ o kaya anong pakialam mo kung ‘tights’ ang tawag ko sa compression pants? Ang pakikisama sa ibang tao ay isang art – at...
I dwell in the spaces where shadows meet light, where questions outnumber answers. A seeker of truths buried deep, I write to unearth what lies beneath the surface. In the chaos, I find my voice. In the silence, I find myself.