Nakaka…
...Panibago
...Lito
...bato…
Palagi na lang bang ganito?
Mga alaalang pilit bumabalik
Tulad ng Tubig
Umaagos ng tahimik
Dumadaloy
Tumatahak
Pumapatak.
Mga oras, araw, buwan
binalot ng karimlan
Ilaw sa kadiliman
Muli bang masasaksihan?
Panahong tinikman
sikretong kasiyahan
Ikaw at ako
Tila Dugong dumadaloy
Nagbibigay...
ng buhay...
ng Pag-asa...
ng Sakit...
Sa isat isa
Mga araw at gabing naglalakad
masayang magkasama
may halong pangamba
Nalulunod sa salita
At mga pangakong
Itinali sa mga tala.
Ngayon
Kailangang lunukin ang pagdurusa
Nag iisa
Hapdi ng Alaala
Wasak na pusong
di na maaayos pa.
Pag gising sa umaga,
Nangangamba
Ako kaya'y Naaalala mo pa?
Comments
Post a Comment