Sa kanyang pag iisa hawak ang sigarilyong tumutupok sa kanyang katinuan,
sa bawat hithit at buga ay sya ring bilis ng proseso ng mga ideyang di mawari kung dapat pa nga bang isipin o hayaan na lang.
musika, sining, pilosopiya – Kabayo, damo, ulan at buwan.
Di dapat ito pagtuunan ng pansin. mga kontradiksyong kinapapalooban ng pagdududa
Mga katotohanang napapanis sa tagal ng panahong di napagtuunan ng pansin.
“Tama!” maski ang katotohan ay dapat ding maubos.
Ang nakakalungkot ay ang kawalan ng lakas ng loob,
At hinayaang takot at pagdududa ang mamutawi sa iyong kamalayan.
At isa ring tulad mo ang nakapag isip ng ideyang ito-
Sa pagitan ng pantas at ng kawalan,
sya ang di natitinag na sabihin ang kanyang nasasaisip
Binigyang kulay,
pinalawig ang emosyon,
at isinalahad ang kanyang saloobin.
Habang binabasa ang kanyang akda
Wala ka ng magawa kundi tumunganga.
At sinasabi sa sariling,
.“ay tanga! Bat di ko naisip yun!”
Comments
Post a Comment